Naging palaisipan kay Althea ang mga naging reaksyon ng mgw kaibigan ni Luan ng gabi ng kanilang engagement, hindi na nasundan ang pagkikita nila ng mga ito pero batid niyang may malalim na dahilan ang kinikilos ng mga ito at bakit siya tinawag na Pauleen Vergara ni Xian. "Babe, mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah," puna ni Luan sa kanya sabay hakap mula sa kanyang likuran. "Babe, naalala mo noong engagement natin?" usisa niya rito. "Bakit, babe?" maang nitong tanong. "Hindi ko nga inaasahan na darating ang mga kaibigan kong 'yon," palatak pa nitong wika. "'Yon na nga babe, hindi mo ba nahalata? Iba ang titig ng mga kaibigan mo sa 'kin, hindi ko alam kung galit ba sila dahil ikakasal ka na o ayaw nila sa 'kin," hindi niya maiwasang saad. "Shhh! Don't say that, at never namang nangiala

