Chapter 62:

2231 Words

Pagdating nila sa bahay nila Beatriz ay puno ng tao ang maliit nilang bakuran, may videoke rin silang inupahan dahilan upang mas lalong umingay. "Grabe, akala ko ay hindi na kayo darating?" bulalas ni Beatriz sa kanila. "O, mga hija, 'buti naman at nakarating kayo?" bati ng mama ni Beatriz. "Halika kayo at maupo rito," yakag pa nito sa kanila. "Salamat po, tita," tugon ni Althea sa ginang. "O, kayo ba 'yong titser nitong si Beatriz?" tanong naman ng ginang nang mabaling ang tingin kay Luan. Ngumiti agad si Luan. "Opo, tita, salamat po pala sa pag-imbita," magalang na turan ni Luan. "Sus, wala 'yon, pagpasensiyahan niyo na dito sa amin at maingay, lahat yata ng bata mula kanto hanggang doon sa dulo ay nandito," palatak ng ginang. "Naku, ganoon naman po yata sa ganitong lugar, huwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD