Nasa opisina na ni Mr. Rivero si Luan pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ang mga panakaw na irap ni Althea sa kanya bagay nakinakatuwaan naman niya. Mas lalo pa kasi itong gumaganda sa paningin niya lalo na kapag namumula ito sa galit at inis sa kanya. Hindi tuloy maitago ang ngiti sa kanyang labi nang bigla ay may magsalita sa kanyang harapan. "Good to see you smiling, Mr. Richardson, mukhang may nagpapasaya na ulit sa puso mo," tinig ni Mr. Rivero sa kanya. "Holy—" putol na gulat niyang turan. "Sorry, mukhang nagulat pa yata kita," turan ng matandang lalaki na noon ay nakangiti sa kanyang harapan. "Yeah, medyo nagulat ako doon," nahihiyang amin ni Luan nang mahuli siya nito. "Well, kahit na sino ay magugulat talaga, kapag nakangiti kang mag-isa habang may sarili kang mundo tapos