Hindi mapakali si Althea habang nagbibihis siya, iyon na kasi ang takdang oras na pagkikita nila ng kakambal na si Athena aka Kikay o Kathleen Saavedra. "Hey, babe, relax ka lang," untag sa kanya ni Luan matapos siyang pasukin sa silid niya. "Kinakabahan ako, paano kung iba ang maging reaksyon nito," puno nang pag-aalinlangang saad kay Luan. "Teka, ayos ka na ba?" hirit pang untag ni Althea kay Luan. Hindi tuloy sila nakapamasyal dahil sa pag-alsaburuto ng tiyan nito. "Kahit papaano ay umayos na, siguro ay naidumi ko na lahat ang kinain ko," natatawang wika ni Luan. "Uminom ma rin ako ng gamot kanina," seryoso nang saad nito. "Mabuti naman, ikaw kasi," giit niya. "A-Ano'ng ako, ikaw kaya diyan ang nagpakain lahat ng kinuha mo sa 'kin," maktol ni Luan sa kanya. "Ikaw naman kasi, trip

