Ramdam ni Althea ang tensyon kay Luan mula nang may tumawag dito, tahimik ito dahilan upang mas lalo siyang mailang, mabuti na lamang at papasok na sila sa loob ng exclusive subdivision na kinaroroonan ng kanilang bahay. Sakto namang huminto ito sa tapat ng gate nila, hanggang sa sandaling 'yon ay tahimik ang lalaki kaya hindi alam kung papaano gagalaw o magpapaalam rito. "Ahemmm! Ahemmm!" malalakas na tikhim upang pukawin ang pansin nito. Nakitang lumingon ito sa kanya, halos mapangiwi si Althea dahil kahit tumingin ito ay hindi pa rin nabukas ang nakapinid nitong labi. "B-Bababa n-na a-ako," alanganing wika niya rito. Maang lamang itong nakatingin na tila wala pa ring balak magsalita. "Bababa na ako," ulit niya. Tikom pa rin ang labi nito kaya binuksan na niya ang pinto ngunit ba