Isang araw na lamang bago ang engagement party nina Althea at Luan, nirerepaso na ni Henry ang lahat ng detalye sa gaganapin nilang pagdiriwang habang si Luan naman ay wala pa ring kasiguraduhan kung dadalo ba ang mga kaibigan. Pinadalhan na niya ang mga ito ng isang mensahe at ayaw na niyang mangulit pa kung dadalo ba ang mga ito o hindi. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luan, bagay na napuna naman ni Althea. "Ang lalim noon, babe, ayos ka lang ba?" untag niya sa kasintahan and soon to be husband. "Oo nga, sir este Luan, bakit mukhang gusto mo nang mag-back out sa engagement ninyo ng kaibigan namin?" bulalas ni Beatriz. "Sabihin mo lang at ngayon pa lang ay sisimulan ka na naming bugbugin," palatak pa nitong banta kay Luan sabay pakita ng kamao. "Beatriz," angil ni

