Chpater 92:

2267 Words

Napangiti si Althea nang mapansing maganang kumain si Kikay pero hindi nagtagal ay unti-unti nitong binitiwan ang hawak na kutsara, marahil ay napansin nito ang kanilang mga tingin. Muli itong bumaling sa kanya dahilan upang muli rin naman itong bigyan ng matamis na ngiti. "Akala ko ba ay gutom ka, kain ka pa," alok niya rito. Nakatitig ito sa kanyang mukha, batid niya namang tulad niya ay hirap pa rin itong tanggapin ang hinggil sa mga sumambulat na katotohanan sa kanila tungkol sa kanilang pagkatao. "B-Busog n-na a-ako," nauutal at nahihiyang wika nito, ngunit nasa mga mata pa rin nito ang pagkatakam sa mga pagkain sa mesa. "Sige na, huwag ka nang mahiya," pamimilit niya kay Kikay. "Pwede bang take-out na lang," bulong nito sa kanya na kinangiti niya pa ng tudo. Naisip na baka nah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD