Naging maayos naman ang sumunod na kaganapan kina Althea at Luan, sa wakas ay nagkaunawaan din at nagkaintindihan. Naging usap-usapan din sa campus ang pag-alis ni Luan dahilan upang uminit na naman ang dugo ni Miss Ventura sa kanya. "Miss Robles, puwede ba tayong mag-usap," matiim na turan nito nang palabas sila sa kanilang classroom matapos ang klase nila rito. Napatingin sa kanya sina Beatriz at Danica kaya agad na tumango sa mga ito upang iwan siya muna sandali at susunod na lamang siya sa mga ito sa kantina. "Are you sure, girl?" untag pa ni Beatriz na tila diskumpiyado sa paghaharap nila ni Miss Ventura. "Yes, I'm good, hintayin niyo na lang ako sa canteen," aniya sa mga kaibigan. "Okay, girl, pero kapag may ginawang hindi maganda ang babaeng 'yan, just call us," bulong naman ni

