MAC POV "Kino, akin na 'yan. Ibalik mo sa akin 'yan, mang-aagaw ka. Isusumbong kita kay kambal, lagot ka," naiiyak na sambit ni Esha dahil inagaw ng g*go ang hita ng manok na nasa plato nito. Napa-iling na lang ako habang nakamasid sa kanila. Lagi na lang silang ganito, nagbabangayan na parang mga bata. "Isa lang naman, Esha. Huwag ka nang magsumbong, akin na 'to, huh? Salamat," ngiting asong sagot ni Kino saka kinagat ang hita ng manok. Isa pa ang lukong 'to. Napaka takaw. Food is life nga daw kaya gano'n siya. "Kambal, inaaway ako ni Kino," kaagad na sumbong ni Esha sa kakambal nitong si Amie na kakapasok pa lang ng kusina. Masama siyang tumingin kay Kino kaya mabilis na napatayo ito at pumunta sa likod ko para magtago. Tsk. Takot naman pala. "Walang hiya ka, Kino. Pina-