KINO POV Kinaumagahan ay nagising ako na magaan ang pakiramdam. Ramdam ko ang kakaibang saya na hindi ko maikumpara sa kahit na anong bagay. Biyaya kong maituturing ang mga sandaling iyon na kasama siya. Natulog ako na masaya dahil sa kilig na nararamdaman. Minsan, sa tuwing pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata ay naiisip ko na hindi lamang siya basta-basta lang na nurse kung matatawag. Isa siyang nurse na may binubuong pangalan. Isang nurse na may tungkulin sa pagtulong upang gumamot ng pasyente at sumagip ng buhay. Isang nurse na nagbigay ng kakaibang kulay sa mundo ko at naging dahilan upang maramdaman ko ang tunay na pag-ibig. Ngayon pa lang ay lagi na lang nasa isip ko ang kagustuhan na ibigay sa kanya ang lahat ng aruga at wagas na pagmamahal. "Para kang tanga. Ngingiti