MAC POV Kaagad na umalis kaming tatlo sa sala nang maging seryoso na ang usapan ni boss at ng Tito niya. Nagtungo kami sa kusina para sumunod sa kambal na abalang kumakain ng chocolates. Pasimple silang umalis doon upang hindi makita ni boss ang sandamakmak na dala nilang chocolates dahil paniguradong papagalitan sila. "Esha, akin na to, huh?" nakangiting sabi ni Kino at kaagad na kumuha ng malaki at mahabang chocolates. Nakangiting tumango naman si Esha dahil puno pa rin ang bibig nito. Ngiting panalo ang matakaw na si Kino dahil hindi siya pinagkakaitan ng magkambal, sa dami ba naman ng chocolates na nakahain sa harapan nila. Hindi nila 'yon kayang ubusin nang silang dalawa lang. "Esha, baka pagalitan tayo. Ang dami naman kasi nito," nakangiwing sabi ni Amie na nasa tambak na choc