KIERA POV Walang nakaka-alam sa totoong damdamin na mayro'n ako lalo na sa tuwing nag-iisa ako. Ang alam nilang lahat ay masaya ako sa kung anong mayro'n ako ngayon. Akala nila ay kuntento na ako sa estado ng buhay ko ngayon. Wala silang alam kung ano ang bumabagabag sa puso at isip ko sa tuwing nag-iisa ako. Marahil ay lagi kong naririnig mula sa bibig niya ang salitang I Love You ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kulang. May kulang na dapat niyang gawin bukod sa matatamis niyang I Love You. Mga matatamis na salita niya na kulang sa gawa. Akala ko ay bago pa man lumaki ang tiyan ko ay legal na ang aming pagsasama. Umasa ako sa matatamis niyang salita. Umasa ako dahil magkasama na kaming natutulog sa iisang kwarto. Umasa ako dahil nakita ko sa mga galaw niya ang determinasyon sa tuw