Sa ilang buwan na lumipas ay masasabi ni Kiera na hindi madali. Lalo na sa unang buwan magmula nang isilang niya ang anak nilang kambal dahil natatakot pa rin siya sa mga posibilibad na mangyayari. Ni halos hindi na nga siya makatulog sa gabi para lang bantayan ng maigi ang mga anak niya dahil natatakot siyang makawala ito sa paningin niya at tuluyan nang maglaho na parang bula. Ngunit laking pasasalamat niya sa kanyang asawa na si Darren dahil siniguro talaga nito ang mahigpit na seguridad sa buong paligid ng mansyon. Tulad ng nakagawian na ni Darren ay palagi na lang itong nagigising ng maaga. Ngunit ngayon ay may dumagdag na. Kung noon ay para sa trabaho lang siya gumigising, ngayon ay nagbago ang lahat ng iyon magmula nang mabuo ang anak nila ni Kiera. Ngayon ay mas gumigis