Patuloy na humahagulgol si Esha sa mga bisig ni Darren. Kahit anong pagpapatahan ang gawin ng kakambal niyang si Amie ay wala pa rin tigil ito sa pag-iyak. Halos habulin na ito ang kanyang paghinga dahil sumisikip na ang kanyang dibdib. Hindi maiwasan ng mga taong nasa paligid niya ang mag-aalala dahil sa walang tigil nitong pag-iyak. "Esha, tama na. Namamaga na 'yang mga mata mo. Papangit ka niyan, sige ka. Siguradong pauwi na 'yon si Bryle," malumay na sambit ni Amie. Patuloy niyang hinahaplos ang likod ng kakambal habang nakayakap pa rin ito kay Darren. Lahat na lang ng alam nilang paraan ay ginawa na nila ngunit wala pa rin iyon epekto. "Gusto kong makita si Bryle. Ibalik niyo siya dito, please, ibalik niyo ang asawa ko," tanging tugon lang nito. Dahil sa walang tigil na