DARREN Pinagmamasdan ko ang mukha niya na payapang natutulog sa aking bisig. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang mga mata niyang namamaga na sa pag-iyak. Nababakas sa kanyang hitsura ang hirap na kanyang pinagdadaanan. Ang kanyang mga luha ay natuyo na sa kanyang pisngi. Naiinis ako sa aking sarili dahil alam kong ako ang dahilan ng hirap na pinagdadaanan niya ngayon,alam kong nasaktan ko siya sa mga ginawa ko. Naging makasarili ako dahil hindi ko inisip ang mararamdaman niya. Ngunit sarili ko man na damdamin ay hindi ko rin maintindihan. Hindi ko sigurado sa aking sarili kung ano ba talaga gusto kong mangyari. Ang alam ko lang ay masaya ako na nasa tabi ko siya at nakakasama. Lalong-lalo na, masaya akong naangkin siya, na ako ang nauna at nakakuha ng pinaka-iing