"DAMN IT!!!" binalya ko lahat ng mga papeles na nasa mesa, sinipa ko din ang upuan na nasa tabi ko. Naiinis sa sarili dahil sa nangyare, hindi ko aakalain na nagalit ako ng ganoon. Nagawa kong saktan ang anak ko pati si Lottie. "Oddy is right it's my fault. I'm the reason kaya namatay si Natalie" sumalampak akong umupo sa sofa at doon inalala ang mga araw na kasama ko ang aking asawa. Inaalala ang maamo niyang mukha, ang malambot niyang mga haplos at ang matamis niyang ngiti. Unti unti ang mga luha ko'y kumawala. "Natalie I'm really sorry. I'm sorry, I'm really sorry". Nabalot ako ng pighati at takot. Pighati nang pangungulila sa babaeng tunay kong minahal. Takot na hindi maalis sa puso ko, na kahit subukan kong maging normal ang lahat ay hindi ko kaya. I'm trying to move on but how?. P

