"Ma'am dito po ba?" "Oo manong, pwede po bang maghintay tayo saglit?" "Sige Ma'am" Hindi ko inalis ang tingin ko sa gate nang bahay ni Mark. Ang sabi niya nasa bahay pa daw siya at kikitain niya ako mamayang ala-una nang hapon. Alas-dyes pa lang kaya may hinala akong may ginagawa na siyang milagro. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas na ang gate. Lumabas doon si Mark ang akala ko ay siya lang ang tao. Laking gulat ko nang nakasunod din sa likuran niya ang isang babae. Babaeng seksi. Maganda at may balingkinitan na katawan. Pati si Mark ay nag-iba din ang itsura, pumayat siya at nagkaroon ng muscle ang mga braso at balikat niya. Bakit nandoon yung babae niya? At sa bahay niya pa mismo. Nakangiti ang mga ito habang papalabas ng gate. Agad akong yumuko na baka makit

