"Bye Oddy!" sambit ng batang babae na kumakaway kay oddy habang papasok ng sasakyan. malapit lang ito sa sasakyan namin kaya kitang kita ko ang itsura nito. "Bye Charlene!" nakangiting sagot ni Oddy at kumaway din. Hinantay muna niya na makapasok ito ng sasakyan bago siya pumasok sa kotse. "Bagong Friend?" tanong ko habang inaalalayan siyang makaupo sa loob ng kotse, pagkatapos ay ako naman ang naupo. "Yes yaya, siya yung katabi ko kanina, Inayos kasi ni Teacher yung upuan namin alphabetically." "Oo nga nakita ko nga" saka nilingon ang bodyguard na nakatingin sa akin. "Tara na," sagot ko at nilingon ulit si Oddy. "Yaya, san pala pumunta si Daddy?" tanong nito na tila lumungkot ang mukha. "Ahh ang sabi niya pupunta daw siya sa opisina niya". ewan ko ba kung bakit

