"Hayan pwede na" nakangiting sabi ko nang matapos maglagay ng make up. Pagkatapos ay inayos ko naman ang aking damit habang nakatingin sa salamin. Teka. Heto na naman ako bigla na namang napaisip. "Wala namang problema kung ginagawa niya nga sa akin iyon. Gusto niya ako. Gusto ko din naman siya."mayamaya lang ay napalakad na ako at napaisip ng malalim. "Kung hindi siya nandaya hindi ako maiinis ng ganito," pinapaniwala ko talagang nandaya siya pero hindi naman talaga. Haynaku ewan ko ba, "Nandaya ka at na-nantsing pa kaya gaganti ako!" tapos yung salamin ay dinuro duro ko na kahit sarili ko ang nakikita ay napagbalingan kong si singkit iyon. Sakabila na pakainis ay di maiwasan ang nagkukubling saya sa aking puso. Pag-ibig nga naman ginagawang kalyeng liko liko ang hulma

