"Sumagot ka, Athan! Sagutin mo ako!" Sunod-sunod na sampal sa magkabilang pisngi ni Athan ang ginawa ni Yhannie. At kung hindi pa siya pinigilan ni Athan ay patuloy lang siya sa pagsampal dito. "Yhannie, ano ba?! Calm down!" Lumakas na rin ang boses ni Athan. Hinawakan na nito nang mahigpit ang mga kamay niya para hindi siya makawala. "Sumagot ka kasi. D*mn you," nanghina nang bigkas niya. Sunod ay ang paghagulhol na niya. May kung anong humaplos naman sa puso ni Athan. Ngayon lang din nito nakita ang asawa na puno ng paghihinagpis. Nasasaktan ito nang sobra. "Tahan na, Hon." Kinabig nito si Yhannie at niyakap. "Saan ka galing?! San ka galing?!" pero patuloy na naman ni Yhannie sa pagwawala. Binabayo niya ang likod ng asawa pero wala na iyong lakas. "Yhannie, tama na. Tama na," alo