“Mr. Fendi Costodio... you’re late! You’re almost late ng 30 mins. Kanina pa nagsimula ang klase ko. Parati ka na lang ganyan. Not once not twice and also not thrice! May problema ka ba sa subject ko? Hala sige mag iskwat ka sa labas hanggang sa matapos ang klase ko. Mamayang break time din ay magpunta ka sa guidance office ah,“ galit na utos ng isang professor sa Philosophy sa dumating na si Fendi nang sinubukan nitong pumasok sa loob ng klase nila. “I’m sorry Ma’am, sige po mag iskwat na po ako sa labas.“ Napakamot na lang ng ulo si Fendi saka ito lumabas nang naturang klase. “Teka sandali lang pala… oh ito. Magpatong ka ng tatlong libro sa mga kamay mo. Dapat hindi babagsak yan ah. Maliwanag ba?“ pahabol pang saad ng professor niya saka ito nag-abot ng tatlong malalaking libro sa ka