"MOM!" Nang makapasok kaagad si Light sa bahay ng ina ay pangalan nito ang kaagad niyang isinigaw. Wala pang ilang minuto ang nakakalipas ay lumabas ito sa kusina habang bitbit ang pamangkin niya. "Why?" tanong nito. "Nothing. I just came here to visit you." Lumapit siya rito at pinakatitigan ang pamangking si Kyle. "He's so cute. Mana sa akin," matawa-tawa niyang sabi. "By the way, puwede bang makisuyo?" "Sure." "Alagaan mo muna itong si Kyle at maliligo lang ako." "Sure," sagot niya kaya agad na ibinigay ng ina si Kyle sa kaniya. Hindi siya maalam maghawak ng bata dahil wala naman siyang muwang sa pag-aalaga. Basta na lang niyang hinawakan ito na kung titingnan ay parang pinapatulog "Thanks, Light. I'll go." Tumango lang siya at kaagad namang umalis ang matanda. Siya naman ay b