"PAKAWALAN mo na ako rito, Kim. Nagmamakaawa ako sa iyo, h-hindi ako magsusumbong sa pulis at hinding-hindi kita ibubuko. Magpapakalayo-layo ako. Maawa ka na!" Ngumisi lamang si Kim nang marinig ang sigaw ni Pamela. Hinarap niya ito. Ano bang akala ng babaeng ito na isa siyang uto-uto? No way, she's Kim Lopez and she's not crazy to do what she said. Marahil ay kapag naging baliw lang talaga siya ay saka niya susundin ang gusto ng babaeng ito. But not this time. Marami pa siyang plano. Pero imbis na sabihin na ayaw niya ay kunwari ay klumaro siya rito. Hindi naman siya tanga para pakinggan ito. Hindi siya uto-uto. "Kung papakawalan kita, saan ka naman pupunta?" tanong niya. Deep inside ay tawang-tawa na siya. "Magpapakalayo ako. Pupunta ako sa malayo na walang makakaalam. S-sa Visaya o