Chapter 24

1195 Words

WULFRIC Mahina na nga ang pundasyon ng pagsasama namin ni Roselle, lalo pa itong naging mabuway. Malaki ang ipinagbago niya simula nang magtinda ng mga pampaganda. Ang sabi niya, kailangan din daw na nakapostura siya at paminsan-minsan ay lumabas para lumawak ang connections. Hindi ko siya pinipigilan sa paglabas araw-araw lalo at nagpapaalam naman s’ya. Si Nanay o si Yasmin ang madalas na magbantay kay Kian kapag umaalis siya na inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras sa hapon. Kaya madalas, si Nanay ang nagluluto ng hapunan. Isang gabi ay maaga akong umuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Naulanan ako kahapon pero pinilit ko pa rin pumasok kaninang umaga. Sayang din ang kikitain ko. “Anak, nandito ka na pala. Saglit at maghahain ako.” “Mano po, ‘Nay.” Si Kian ay kalong ni Yasmin h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD