Thirty-eight "Papaaaa? Are you for real?" tili ni Hiraya habang pababa ng hagdan. Buhat-buhat ko si Baby Franco, habang nakaupo sa couch. Si Hiraya at Halina ay hawak ng Yaya ng mga ito. Malawak ang ngiti, namimilog ang kanilang mga mata dahil hindi makapaniwala na narito at nakikita nila ang Papa nila. Pero nang makalapit, nagbago rin ang expression ng mga mukha nila. Nilagpasan nila ang Papa nila sabay upo sa tabi ko. "Mama, 'di po ba hindi natin bati si Papa? I-ta-talk po ba namin or not? Pero na-miss ko po si Papa, gusto ko s'yang i-hug, pero naisip ko, baka magalit ang wife n'ya, tapos magkakaanak na rin s'ya sa iba sabi ni Tal." "Miss na miss kayo ni Papa, hug n'yo na s'ya dali na." Udyok ko sa dalawa. Ngunit mabilis silang umiling at niyakap na ako. Bumuntonghininga si France.