Thirty-five "Hi, I'm Tattiana Romavei." That f*cking aura, nagdulot iyon nang kakaibang creepy feeling sa akin ngunit hindi ko lang ipinahalata rito. Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at nakipagkamay rito. "I'm France El Frid!" "Have a seat!" nagsalubong ang kilay ko. Last time I checked, office ko ito. "Ay, mali. Ikaw pala dapat ang magsabi." Natawang sabi ng babae. Pero tumalikod na ito at naupo sa couch. "Excuse me, what can I do for you?" takang tanong ko rito. "Thomas is your friend, right?" kaibigan ko ba 'yong gagong iyon? Parang hindi, palagi nga kaming magkasama, pero 'pag bored ito ay niyayaya akong makipag-sparring sa kanya. Bugbog ako palagi sa kapatid ni Cara. Parang sinasadya nito, parang gumaganti dahil sa sakit na naidulot ko sa kapatid nito. "M-aybe?"