Muli ay nasa ganoong senaryo siya. Nasa labas ng ospital at hinihintay ang paglabas ng doktor na sumuri sa asawa at sa magiging anak nila. Nabigla siya nang biglang bumalik ang doktor sa harapan. "Mister, kayo ba ang asawa ng pasyente?" tnong ng doktor na tantiya niya ay nasa singkwenta anyos. "Opo, kumusta po ang mag-ina ko?" agad na turan rito. "Mister, ilalabas na namin ang bata. Mas mainam na iyon kaysa manganib pa ang buhay ng mag-ina mo. Masyadong nawalan ng tubig at dugo ang asawa mo para hindi na safe para sa inyong anak. Since fully develop naman na siya physically pero like other babies na hindi inaabot ng buwan. Your child will stay in the incubator for a few weeks,” paliwanag nito. "Okay dok, kayo na pong bahala,” aniya. "Gusto mo ba siyang makita?" tanong pa nito. "Pwe