Tahimik sila habang lulan ng sasakyan ni Xian. Nagtaka siya ng hindi ang daang patungo sa bahay nito ang kanilang tinatahak. Agad siyang lumingon rito ngunit tuon ang tingin nito sa daan. Nahiya tuloy siyang magtanong kaya minabuting tumahimik na lamang. Naramdaman yata ni Xian ang kaniyang palingon rito at nabasa rin yata nito ang kaniyang nasa isip. "We're going to see a doctor," malamig na wika nito. "O—kay?" Kabadong wika. "Aren't you happy if ever I'm preg—." "Of course I am. Sorry I just don't know how to react. Well, we need to confirm first." Wika na lamang dito. Tumango na lamang siya saka tumahimik. Nang makarating sila sa ospital ay agad silang dumeretso sa isang private office ng isang doctor. Kinuhanan siya nito ang sample ng dugo. Matapos ay bumalik siya sa tabi ni Xian