Umiyak siya nang umiyak hanggang makatulog. Katok sa pintuhan ang gumambala sa lumalalim na niyang pagtulog. Maya-maya ay pumasok doon ang kaniyang ina kasama ang kaniyang anak. "Mommy!” masayang wika ng anak. Nahihiya siyang tumingin sa ina dahil mugto ang kaniyang mata. Mas lalo na sa anak dahil ayaw niyang makita nitong malungkot siya. "Hi baby. Nag-enjoy ba ang baby ko kasama sina mamita at dadido?" pilit pinasigla ang tinig na tanong sa anak. Agad itong tumango at nagkuwento tungkol sa mga nakita at ginawa. Bibong-bibo ang anak at hindi niya maiwasang maalala si Xian sa tuwing nakikita ito. Nakuha kasi ang halos lahat sa asawa. Ang mga mata nito, ilong at ang hugis ng mukha nito. Matapos magkuwento ng anak ay nilaro na nito ang paborito nitong manika. Kaya may pagkakataon na an