Paglabas ay agad na pinuntahan ang anak sa kama at nakitang nakasuot na ito ng pajama. Napakunot noo siya dahil wala naman silang dalang gamit ng anak. Muli kasi itong nakatulog kaya pinagmasdan na lamang ito at maya-maya ay lumabas mula sa banyo ang asawa at nakatapis lang ng tuwalya. Mamasa-masa pa ang pang itaas nitong katawan habang nakaharap sa closet nito. Nagkatinginan sila. Nang makabihis ito ay tinungo ang closet at ganoon na lamang ang pagtataka dahil naroroon ang gamit nila ng anak. Agad siyang tumingin sa asawa na nakatingin din pala sa kaniya. Hindi pa man siya nagtatanong rito ay agad siyang sinagot nito. "Jerome and Heaven brought your stuff here. She actually plan for this," turan pa nito. Kaya pala tudo tulak ang mga ito sa kanila, iyon pala may ibang plano. Sabagay, p