Hindi ko maiwasan mapangiti habang pinanonood si Saimon na naglalaba ng damit namin. Tahimik lang sya naglalaba habang ako naman ay nakaupo lamang. Suot suot ko ang kanyang malaking tee shirt at isang jersey short. Sya ang nag pasuot nito sa akin para hindi hindi masyado kita ang balat ko dahil maraming tambay sa labas, gaya ngayon. Naka suot lang sya ng isang muscle shirt at isang jersey pero maraming babae sa labas na pinanonood sya. Sa tatlong araw namin dito ay madalas talagang dumadami ang babae dito. Sinabi na sa akin ni tita 'yon. Lumipat na din kami sa baba dahil kami daw muna bahala dito sa kanyang apartment. Maluwang sa baba, mas malaki ang kama ni Sai kesa sa kama na tinutulugan namin sa taas. "ANONG MERON DITO?!" Napatingin ako sa babaeng may dalang maleta na naka-short at i