Nang kinaumagahan ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Edward dahil sa halik na binigay ko. Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay mas iniisip ko pa rin ang ginawa kong kakahiyan. Huminga ako ng malalim at saka pumunta sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig para maibsan ang hangover na first time kong naramdaman. "Ma'am, tumawag po daddy nyo. Sinabi ko po ng dumating kayo ay bagsak kayo." "Thank you, Manang!" mabilis ko syang niyakap. "Hindi kasi ako makatanggi kela Anissa pero salamat talaga." "Basta uuwi ka ng safe pagtatakpan kita." napangiti ako at mabilis nyang inayos ang pagkain. Hindi ako kumain kagabi kaya kailangan kong kumain ngayon. Madami akong nakain na luto ni Manang, sinabi ko na sumabay sila pero nahihiya daw sila. Pero ang ending ay sumabay sila dahil gusto ko.