"SIMON ANO BA?!" Lahat kami ay napaantras sa sigaw ni Ninong Saimon. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Simon na bugbog sarado. Hindi namin alam kung ano ang nangyare. Hindi namin alam kung bakit sya nagkakaganito. Nag m-away lang sila ni Sena month ago tapos wala ng nagpakitang Sena dito sa bahay at ilang linggo na din s'yang ganyan. Hindi namin malaman ang dahilan kung bakit uuwi sya ng lasing sa gabi tapos puro sugat ang muka. Hindi na mabilang ang gabing 'to ngayon. May tumawag kay Ninong Saimon na nanggugulo daw si Simon sa isang Bar. Lahat kami nagising sa sigaw nya. "Damn it!" Hinawakan ako ni Saimon papunta sa gilid nya at tinakpan ang mata ko. Isang buwan na din namin hindi nakikita si Sena. Wala naman kasi kaming pinag-uusapan tungkol sa nangyare, basta si