Tumayo ako at aalis sana pero agad hinawakan ni Saimon ang braso ko. "Iiwas ka na naman?" Tumingi ako sa kanya. "Ayoko kasi magalit sa 'kin si daddy." "Yeah. Kaya nga ayos lang pag ako ang magalit diba?" umiwas ako sakanya ng tingin. "Saimon, tam---" "Paano kung ayoko?" tumingin ako sa kanya. "Magkaibigan na tayo diba?" sabi ko sa kanya pero ngumisi lang sya sa 'kin. "Sa tingin mo papayag ako? Ano ako? Tanga? Mahal na mahal kita, Angel. Bakit ko hahayaan maging mag kaibigan kung pwede naman kitang kunin diba?" nagulat ako sa sinabi n'ya at dahan dahan akong umantras. "S-Saimon..." tumawa sya ng mahina. "Saimon pwede ba." "Oh bakit?" ngumisi sya. "Tama na? Yan ba sasabihin mo?" "Saimon!" naiinis na tawag ko. "Bakit ba ang hirap na piliin ako? Bakit sobrang daling bitawan ako, An