Kinabukasan, malawak ang ngiti ni Darwin ng pagmulat niya ng mata ay ang maganda at maamong mukha agad ng asawang si Laila ang kanyang unang nasilayan. Nakakulong ito sa mga bisig niya habang mahigpit naman itong nakayakap sa kanya. Mahigpit silang magkayakap na parang ayaw ng humiwalay sa isa't-isa at dama niya ang mainit nitong katawan dahil parehas pa silang walang saplot sa ilalim ng puting kumot. He's already hard pero kailangan niyang pigilan ang sariling angkinin ulit ito dahil tiyak siyang she's still sore down there. Lalo pa at hindi niya ito tinigilan kagabi na halos hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong inangkin. Rough and hard. Bawing-bawi sa tatlong taon nilang magkahiwalay. Wala pa sana siyang plano na ipaalam dito na alam na niya ang lahat pero hindi na siya nakat