Pagmulat pa lang ng mga mata ni Darwin ay may sumilay na agad na malawak na ngiti sa labi niya. Sino ba naman ang hindi matutuwa o masisiyahan kung sa pagbukas pa lang ng mga mata mo sa umaga ay mukha na agad ng mahal mo ang unang masisilayan? Napakasarap sa pakiramdam at kusang aangat ang sulok ng labi mo ng hindi mo namamalayan. At wala na siyang ibang mahihiling pa kun'di ang sana ay mangyari 'yon sa araw-araw. Ang makasama niya ang babaeng mahal niya. Ang laging magising sa umaga na si Laila ang una niyang masisilayan. At syempre umaasa s'ya na sana dumating ang araw na makabuo na siya ng sarili niyang pamilya kasama ang dalaga. Nakangiting pinagmasdan niya ang magandang mukha nito at hindi nakatiis na haplusin iyon. Magaan niya ring hinalkan ang labi nito bago isiniksik ang mukha sa