ANG NAKATAKDANG PAG-UWI nila ngayon ay hindi natuloy. There was a storm in Russia and all flights were cancelled. Nakakainip palang maghintay kapag alam mong magiging maayos na ang lahat. Astrid took care of me yesterday. Hindi man kapani-paniwala, nagluto siya ng nilagang baboy para makahigop daw ako ng mainit na sabaw. Noong una, natakot akong tikman. Malay ko ba kung ano’ng nilagay niya roon. She chuckled at sinabing bahala raw akong magutom kung ayaw kong kumain. She started putting rice on her plate at saka nagsalin ng sabaw sa mangkok. The vegetables were perfectly cooked, at ang karne ay mukhang malambot ang pagkakaluto. Nakadalawang subo na yata siya nang magpasya akong kumain. If she was eating it, that means it was edible. At nang humigop ako ng sabaw ay napagtanto kong masar

