KAAGAD KONG NILAPITAN si Prue at iniwanan ang asawa ko matapos siyang halikan nang mabilis sa pisngi. I am beyond excited with this new development. Mabuti na lang at hindi makaklimutin sa mukha si Jethro. I wouldn’t have paid attention to the girl repleneshing the drinks. Unlike the servers in the party though, hindi siya nakasuot ng uniporme. “Excuse us for a moment,” sabi ko sa mga babaeng kasama namin sa table. Ibinilin ko kay Jethro na tingnan tingnan ang mga bata at baka hanapin ako. Although, mukhang hindi naman at libang na libang ang mga ito sa paglalaro. They had bouncy castles at ang malaking bakuran ng mga Larsen ay punong puno ng laruan. Aside from the beautifully set up buffet at dalawang mahabang mesa para sa aming magkakaibigan ay wala na. Mas malaki pa ang space na ino

