FIVE MONTHS LATER | SAN JUAN WE FAILED TO find our father. Nang magkabarilan sa Manhattan nang araw na ’yon ay tumahimik ang nagpadala ng email kay Prue. The good part was, we hired an IT team to trace the email. Masyado nga lang maraming security features ang kung sinumang sender ng email. Alam namin na hindi basta ang taong nag-utos sa kanila. Nakauwi kami nang matiwasay sa Pilipinas gamit ang eroplano nina Irvine. Ang eroplano nina Jethro ay gamit ng mga magulang namin at sa tingin ko ay wala silang alam sa nangyaring barilan. Kung hindi ay siguradong lumipad na sila kaagad papunta sa akin. Our husbands silenced the media para na rin sa safety ng mga pamilya namin. We didn’t know who were after us. Kung random ba ang pagbaril sa akin o talagang sinadya. Did the killer know that we

