“I’M WORKING ON it, hon. Dapat nga kanina kaya lang nagkasakit ako,” sabi ko sa kaniya. Hindi siya umimik at wari ko ay tinitimbang ang sitwasyon. It was legit, I am sick. I mean... I was. Mabuti na ang pakiramdam ko buhat nang makakain at makainom ng gamot. I didn’t know about tonight but I thought, mas mapapabilis ang pag-galing ko kapag alam kong hindi na siya galit sa akin at nilalambing na ako. “Masakit pa ba?” tanong niya sa akin. Ang alin? Ang ulo ko sa taas o sa baba? “Jethro, tinatanong kita,” paangil niyang tanong sa akin. Yakap ko pa rin siya, kaya habang nakatunghay ako sa kaniya at kapit niya ang pisngi ko ay tumango ako. Napabuntonghininga siya. “Let’s go to the hospital then.” I didn’t like hospitals. “Okay na ako. Hindi na masakit.” “Ha? Akala ko sabi mo kanin

