“Dad, she needs to go or help us save the house. I am not transferring to a public school! Nakakahiya! Plus, she can’t be living here for free forever. Mabuti nga at kinupkop mo pa s’ya kahit hindi naman s’ya tunay na anak ng dating wife mo,” sabi ni Vina. “Don’t worry, hindi ka lilipat ng school. I will talk to her. Just give me some time,” sagot ni Tatay. Kauuwi ko lang galing eskwelahan nang marinig ko ang pag-uusap ng aking ama at ni Vina. Sa edad twenty-one ay first year college pa lang ako. Inuna kasi ni Tatay na pag-aralin ang mga tunay n’yang anak — si Vina at Eve. Si Nanay Daniella ang nag-alaga sa akin nang mawala ang mga magulang ko. She didn’t explain much about what happened about them. Mas mabuti daw na hindi ko alam dahil baka macurious ako at mag-usisa ay maging mitsa pa

