PINATIGIL KO SIYA pansamantala sa pagtatrabaho pero dahil naiinip ay pumayag akong tumanggap siya nang pailan-ilang drawing pero sa bahay lang. Pumayag naman siya, at si Daddy na nagretiro ay pinamahalaan muli ang company habang hindi pa nakakapanganak si Astrid. From time to time, Astrid would go to the office and attend meetings but only once a month. Naabutan ko siyang namamapak ng duhat habang umiinom ng mango juice niya. I didn’t know why pregnant women’s taste buds were weird. Mabuti na lang at hindi sumasakit ang t’yan niya. “Hi, hon, how’s your day?” bati ko sa kaniya. She was in front of the screen at gumuguhit na naman, it looked like a castle. “Is that work? It’s past six,” paalala ko sa kaniya. Humalik siya sa akin at lumabi. “It’s not work. It’s our house.” “Our house?

