“HON, COME ON!” tawag ko sa kaniya. Hindi na ako nag-abalang i-lock ang pinto ng kotse at kaagad ko siyang sinundan. Tinakbo ko siya at halos hindi ko abutan sa bilis ng paglakad. It was like she was walking literally on fire. Nang abutan ko siya ay isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. Halatang galit at ayaw makausap. “Go away.” Tinalikuran ako pagkatapos akong pagsabihan. Nagtungo siya sa kuwarto niya habang bitbit ang mga gamit. Napahilamos ako sa mukha ko at napatingin sa kisame. Kasalanan ko ba kung nakita ako ni Kendra sa restaurant kanina at niyakap ako? Kasalanan ko rin kung hinalikan niya ako sa pisngi? This was insane. Ako rin ang sumagot sa mga tanong ko. I could have avoided this kung hindi ako nakipaglandian kung kani-kanino for the last seven years. D*mn it

