ALAS-OTSO NA AT tapos nang kumain sina Manang Ising at Mang Danny. Pati si Trining at Hazel ay nakapagligpit na. Hazel was literally at the process of rinsing the last plate saka ito inilagay sa patuyuan ng mga plato at kubyertos. “O, Ate Astrid. Kumain na ba kayo? Naubos na namin ang adobo kanina. Sabi kasi ni Sir Jethro kay Nanay, sa labas na kayo kakain.” Nagpunas siya ng kamay sa kitchen towel. “Hindi pa nga kami kumakain. Mainit ang ulo niya at pinagluluto ako. Ano bang madaling lutuin dito?” Gusto ko nang pumadyak sa inis. Bukod sa gutom na gutom na ako, hindi ko pa alam ang lulutuin ko... at higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ko lulutuin ang kung anumang nakita ko sa ref. Talagang ang batang nasa high school pa ang tinanong ko kung ano’ng lulutuin. Oh my gosh, I am so pathe

