MY FATHER DIED pero bago ’yon ay may ibinahagi siyang sekreto sa akin noong minsang magbonding kami. He thought I was wasting my life away at noong una, okay lang sa kaniya na iba’t iba ang babaeng dini-date ko. Parte raw ’yon ng pagkabinata. But as years went by, napapansin niya na wala talaga akong balak seryosohin ang kahit na sino. He started to worry then. He took me to a fishing trip. Ano bang ginagawa ng mga nangingisda habang naghihintay? Nag-uusap. I guess Nanay told him what I felt about Astrid at doon na siya gumawa ng hakbang para itama ang konklusyon na nabuo sa isip ng aking ina. “What’s your father’s name?” “Eleazar.” Tumango-tango siya. “I have an uncle with the same name but I’ve never met him. Dad said I was still a baby noong huling binisita niya kami sa States.

