MABILIS NA LUMIPAS ang oras at ngayon ay naglalakad na kami palabas ng campus. Marami pang estudyante ang mga nakatambay. Ang ilan sa kanila ay nasa damuhan at may dalang mat habang ang iba naman ay nasa may picnic table. I thought the campus needed more of that para mas marami ang makaupo at makapag-socialize. Ang hirap din kaya kung nasa loob ka lang ng classroom buong araw. Kung hindi lang matindi ang init, ay mas madali sanang mag-aral sa labas. “Sama ba kayo?” tanong ko sa dalawa. “Saan?” wika ni Carmina. “Sa stall ni Aling Poncing. Papasubukan ko sa inyo ’yong orange egg. Masarap.” “Kwek-kwek?” tanong ni Jelay. Kuminang ang mga mata niya. “Nagdala si Kevin noong isang araw sa bahay. May isaw rin ba kina Aling Poncing? Malinis?” “Isaw?” Napalunok ako. Hindi ako sure kung kaya

