PERO HINDI RIN ako nakatiis at niyakap ko siya. Kanina ay para akong timang na pabiling-biling sa higaan at sinusulyapan si Astrid. I already turned off the tv at nawalan na rin ako ng ganang manood. I just wanted to hold her and fell asleep. Dapat ay hindi ko na ginawang issue ang tungkol sa training niya. Hindi naman ’yon personal at may karapatan siyang mamili kung saan niya gustong mag-OJT. Hinintay kong pumiksi siya pero hindi niya ginawa. So I took it as a sign na hindi na siya naiinis sa akin. I kissed her hair at saka isiniksik ang mukha ko sa kaniyang leeg. “I’m sorry,” sabi ko sa kaniya. Kasalanan ko naman ang nangyari kanina. I should have stopped when she made her point. But jealousy got the best of me hanggang sa tuluyan na kaming nagka-inisan. She was probably asleep ka

