AS THE GIRLS went for a swim, naiwan kaming tatlong lalaki rito sa kubol habang may hawak na tig-iisang beer. Sumunod rin si Hazel sa pag-swimming sa tatlong dalaga at sina Trining naman ay kasama ng dalawang matanda at naglilibot sa resort. Nagpaalam rin ang mga ito baka sumaglit sa unit at iidlip nang kaunti. “Sinagot na ba kayo ng mga nililigawan ninyo?” tanong ko. Tumawa si Jeffrey. “Malapit na... yata.” “Ikaw, Nick? Anong stand mo kay Carmina?” Napangiwi ito. “Honestly? Hindi ko rin alam. Mukhang may gusto pa siya sa asungot na ’yon. Nagulat nga ako nang ayain niya akong sumama rito. Mabuti na lang at day off ko.” “Asungot? Sino?” I think it’s Pierce, but I could be wrong. Kung si Pierce nga ang tinutukoy niya—asungot nga ’yon. Hindi ko nakalimutan na inaya niyang mag-date si

