ONE WEEK LATER... "b***h, ano 'to? Wedding invitation 'to, ah? Bakit nasa basurahan?" Itinigil ni Rocky ang pagtitipa sa laptop. Lumingon siya kay Lisa. Nasa loob ito ng kanyang silid, ewan ba niya kung ano'ng hinahanap ng babae at pati basurahan niya ay kinalkal nito. Pati invitation card ni Thaddeus na kanyang itinapon sa basurahan ay nakita pa nito. Kahit na sabihing may pagtingin pa sa kanya si Thaddeus, hindi pa rin mababago ang katotohanan na ikakasal na ito sa iba. "Malamang itinapon ko." she said and settle herself comfortably. "Tsee!" irap ni Lisa. Bumalik siya sa pagtitipa. Tinatamad siyang pumunta sa kanyang shop, binigyan muna niya ng isang araw na break ang sarili mula sa trabaho. "Rocky!!!" Biglang tili ni Lisa. "Oh my God! Oh my God, bessy!" Naiiling siya. Para itong