"Hay, sarap! Ahhh! Ubos na, kainis!" "Tama na 'yan, umakyat kana sa kama at matulog." "Hmn, maaga pa." Reklamo niya, sabay kamot sa batok. Tumba ang dalawang beer in can sa tabi niya. Nakasampak siya sa carpeted na sahig ng binata at nanonood ng basketball. Nais nga niya ibato sa t.v. ang bote ng beer, naiinis kasi siya sa kalaban ng paboritong team. "You should sleep by now, hindi healthy ang magpuyat." Itinaas niya ang dalawang kamay sa binata nang nakangiti. Yumuko si Thaddeus at binuhat siya na parang bata at inilagay sa gitna ng kama. Yumapos siya sa leeg nito. Giving him small kisses on the neck which made is him shrieked. "Stop it, Rocky." She pouted and snapped at him. Inayos ng binata ang posisyon niya. Kinumutan siya. Bumalik ito sa paanan at pinatay ang t.v. gano'n din